Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang pre-bidding conference para sa P18.8-billion lease contract para sa automated vote counting machines na gagamitin para sa 2025 midterm polls.
Nang tanungin ang dahilan ng pagpapaliban, binanggit ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ang pagpapalabas ng Bid Bulletin No. 1 ng Special Bids and Awards Committee on the Automated Elections System para sa 2025 National and Local Elections na naglilinaw sa mga usapin at sumasagot sa mga paunang katanungan mula sa mga prospective bidder.
Matatandaan na sinabi ni Comelec chairman George Garcia na opisyal nang binuksan ng poll body ang bidding para sa lease contract para sa FASTrAC.
Ito ay dahil ang procurement process para sa naturang proyekto ay naka-post na sa PHILGEPS o Philippine Government Electronic Procurement System.
Una nang, hinikayat ang lahat ng mga supplier sa buong bansa at sa buong mundo na lumahok sa naturang procurement.
Sinabi ni Garcia na kasama sa procurement ang hardware, software, transmission at internet voting para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Una na rito, ang COMELEC ay patuloy na nagsusulong para sa pagsasagawa ng ganap na automated election, na nagsasabing ang isang automated system ay magagarantiya ng mabilis at tumpak na mga resulta at maiwasan ang karahasan na may kaugnayan sa halalan.