-- Advertisements --

Nilinaw ng Philippine Red Cross na hindi sila magbebenta ng COVID-19 vaccine.

Ginawa ito ng Philippine Red Cross matapos na sabihin ng kanilang chairman na si Senator Richard Gordon kamakailan na Moderna vaccine ang gagamitin nila sa kanilang mga members at donors.

Ang dalawang dose aniya ng Moderna vaccine na kanilang gagamitin ay nagkakahalaga ng P3,500.

Pero paglilinaw ngayon ng Philippine Red Cross, ang naturang halaga ay gagamitin bilan bayad sa syringes, personal protective equipment, meals at iba pang expenses sa pagbabakuna.

Sa isang Twitter post, iginiit ng Philippine Red Cross na ang binili nilang Moderna COVID-19 vaccines ay target gamitin para sa kanilang mga miyembro at donors at hindi para ibenta.

Hindi rin anila kailanman ang kanilang humanitarian organization ng magbebenta ng anumang bakuna.