-- Advertisements --

Naka-alerto ang Philippine Red Cross (PRC) laban sa kumakalat na pertussis o “whooping cough” sa maraming lugar sa ating bansa.

Base sa data ng Marso 29, 2024, mayroong 568 na mga kaso na-minomonitor sa buong bansa. Ang mga aktibong kaso ay nasa 211 at may 20 namang naitalang namatay dahil dito sa kakaibang uri ng pag-ubo.

Sa Metro Manila, ang mga kaso ng pertussis ay naiulat sa Quezon City; Pasig City; at Muntinlupa. Sa CALABARZON, ito ay naiulat sa Cavite, Batangas at Laguna.

Sa Central Luzon naman, ang pertussis ay naobserbahan sa Tarlac City, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Angeles City, at Bataan.

Sa MIMAROPA, ito ay naiulat sa Bongabong Oriental Mindoro.

Sa Visayas, namulat ang pertussis sa Cebu City at Iloilo City.

Ang Iloilo City, Cavite, at Batangas ay inhayag na “Under State of Calamity: dahil sa pertussis.

Idineklara ang pertussis outbreak sa Quezon City, Batangas (Balayan), Iloilo City, at Cavite.