-- Advertisements --
LAOAG CITY – Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na uunahing asikasuhin ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nawalan ng trabaho sa ibang bansa bunsod ng coronavirus pandemic.
Ito ang sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa kanyang press conference sa malaking mall sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Sinabi ng kalihim na sisikaping mapauwi ang mga OFW ngayong buwan, bago tuluyang buksan ang turismo dito sa bansa.
Nabatid na aabot pa sa mahigit 100,000 na OFWs ang inaasahang babalik sa Pilipinas.
Matatandaang turismo ang isa sa mga naapektuhan ng pandemya dahil sa pagsasara ng mga tourist spots at negosyo sa buong bansa para maiwasan ang mas malalang pagkalat ng virus.