GENERAL SANTOS CITY – Hindi nagawang punuin ng mga myembro ng Kabus Padatuon o KAPA ang Antonio Acharon Sports Complex kagaya ng pag celebrate sa birthday ni Joel Apolinario nuong buwan ng Abril.

Batay sa video na ibinigay sa Bombo Radyo ng isang miyembro ng KAPA, natukoy na kakaunti lamang ang dumating sa lugar para sa naturang rally.

Samantala, pinapatawag umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Davao ang founder ng KAPA, pero wala pang kumpirmasyong inilalabas ang Malacanang ukol dito.