Pansamantala munang pina-shutdown ngayong araw ang pasiladad ng Portland Trail Blazers matapos na magpositibo sa COVID-19 ang tatlo nilang staff.

Hindi naman tinukoy kung sinu-sino ang mga ito.

Ngayon araw sana ang simula rin ng individual practices.

blazes team

Ang anunsiyo ay nagmula sa kanilang GM at team president Neil Olshey.

“Over the past four days, we have had three positive COVID test results within our organization. Out of an abundance of caution, having completed contact tracing, we are closing our practice facility today for deep cleaning while we run confirmatory tests.” ani Olshey.

Bago ito, iniulat ng NBA na halos 50 mga NBA players na ang kinapitan ng coronavirus mula buwan ng Okutbre.

Ang Portland ay nakatakdang buksan ang kanilang preseason game sa kanilang teritoryo sa Dec. 11 laban sa Sacramento.