Inaasahang matatapos ng Philippine Ports Authority (PPA) ang 30 port projects mula sa simula ng administrasyong Marcos noong nakaraang taon hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.
Sa isang pahayag, sinabi ng PPA na 11 sa mga proyekto ang natapos noong 2022, anim ang natapos nang mas maaga sa taong ito, at 13 mga proyekto ang nagpapatuloy.
Ilan sa mga proyektong ito ay ang pagtatayo ng isang port operational area sa Port of Abra de Ilog sa Mindoro, isang bagong breakwater sa Port of Nasugbu sa Batangas, ang rehabilitasyon ng kasalukuyang reinforced concrete wharf sa Port of terminal 1 and 2 sa Port of Calapan, at isang bagong berthing facility sa Ozamiz Port.
Ang iba pang proyekto sa top 10 ay kinabibilangan ng extension ng Wharf at reclamation ng back-up area sa Port of Iligan sa Lanao del Norte.
Gayundin ang construction ng back up area at port of Coron sa Palawan, expansion ng back up area na may roro ramp sa Port of Lipata sa Surigao del Norte, at ang pagtatayo ng Port Operational area sa Port of Calapan sa Oriental Mindoro.
Ang mga proyektong ito, aniya, ay bahagi ng programang “Build, Better, More” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at nakikitang makakatulong sa bansa na makabalik sa landas pagkatapos ng mga epekto ng pandemya sa industriya ng maritime at ang natitirang bahagi ng bansa.