-- Advertisements --

Mariing tinutulan ng China ang proposal ng Estados Unidos na pagbebenta ng mga armas sa Taiwan.

Ito ang naging reaksyon ng China kasunod ng planong ng Amerika na pagbebenta ng advanced na tactical data link system upgrade planning sa Taiwan na tinatayang may katumbas na halaga USD75-million.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning, ang pagbebenta ng armas sa Taiwan ay isang seryosong paglabag sa one-China principle na isa sa tatlong joint communiqués ng China at Estados Unidos, partikular na sa August 17 Communique of 1982.

Bukod dito ay ipinunto rin niya na ang gagawin na ito ng US ay magpapahina sa soberanya at security interests ng China na nakakapinsala aniya sa relasyon nito sa Amerika, gayundin sa kapayapaan at katatagan sa buong Taiwan Strait.

Samantala, sa halip ay hinimok naman ng Chinese official ang Estados Unidos na ihinto ang pagbebenta ng mga armas sa Taiwan at makipag-ugnayan sa militar sa Taiwan, at itigil na rin ang paglikha ng mga dahilan na maaaring magdulot ng tensyon sa Taiwan Strait.