Nagkasundo ang mga pinuno ng Group of Seven major economies na paghandaan ang muling pagbubukas ng ekonomiya sa oras na matapos na ang coronavirus pandemic.
Nagsagawa ang bawat pinuno ng ikalawang videoconference ngayong araw. Dito ay inilatag ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang ginagawa ng kaniyang gobyerno para labanan ang virus.
Kasama na rito ang economic package at pagpapalawig ng state of emergency sa buong Japan.
Binanggit din ni Abe ang tungkol sa gamot na “Avigan” kung saan inaasahan na kaya nitong paginhawain ang nararamdaman na sintomas ng isang pasyente.
Binabalak aniya ng Japan government na magbigay ng Avigan sa iba pang mga bansa at maging ang pagpapalawig ng isinasagawang clinical trials para sa nasabing gamot.
Ipinakita rin ni Abe ang kahalagahan ng tamang impormasyon para sa development at para na rin ipakalat ang paggamit ng Avigan.