VIGAN CITY – Magsasagawa ang Office of the Civil Defense – Region 1 ng post disaster analysis sa pinsalang dulot ng Bagyo Ineng sa Ilocos Norte upang malaman kung anong klaseng tulong ang kailangan ng mga residente.
Ito ang pagtitiyak sa Bombo Radyo Vigan ni OCD- Region 1 director Melchito Castro.
Ayon kay Castro, sa magiging resulta ng nasabing analysis din nakadepende kung hanggang kailan ipapatupad ang state of calamity sa nasabing lalawigan.
Ito rin aniya ang magiging batayan sa proseso ng rehabilitasyon na ipapatupad sa mga apektadong lugar.
Katuwang ng OCD – Region 1 na magsasagawa ng nasabing post disaster needs analysis ang provincial government ng Ilocos Norte, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at mga local government unit.