Binigyan diin ni vaccine expert panel member Dr. Rontgene Solante ang kahalagahan ngayon ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng dalawang Omicron variant cases sa Pilipinas.
Ayon kay Solante, kasalukuyang hinahanap na ng DOH ang mga possible contacts ng mga nagpositibo sa Omicron variant sa Pilipinas.
Ito ay dapat na gawin aniya sa lahat ng mga pasahero ng eroplanong sinakyan din ng mga Omicron variant patients.
Dahil nagpositibo nga sa binabantayang variant of concern ang index cases, kahit iyong mga contacts na nag-negatibo makalipas ang limang araw ay dapat pa ring mahanap at bantayan.
Hindi pa rin kasi aniya alam sa ngayon kung kailan magkikitaan ng mga sintomas ang mga ito.
Pero pakiusap naman ni Solante sa naturang mga possible contacts na mag-isolate na muna at bantayan din ang kanilang sarili kung mayroon na silang sintomas ng COVID-19 sa loob ng 14 na araw.
Pinayuhan din niya ang mga ito na magpahinga at magpalakas ng resistensya.