-- Advertisements --
Bahagya raw tumaas ang 7-day positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido, umakyat sa 18.9 perceng noong September 28, 2022, mula sa 17.5 percent noong nakaraang linggo.
Sa kabila nito, bumaba naman ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa 1.10 mula sa 1.28 noong September 19.
Dahil dito, posibleng bumabagal na aniya ang hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Gayunman, nadadagdagan pa rin ang COVID cases kaya ang average daily attack rate sa Metro Manila ay nasa 7.42 per 100,000 as of September 29 na pasok sa ‘moderate’ risk.
Nananatili naman aniyang mababa ang healthcare utilization rate sa NCR na nasa 35% habang ang ICU occupancy naman ay nasa 29 percent.