-- Advertisements --
omicron2

Tumaas ng hanggang 24.9% ang seven-day positivity rate sa Metro Manila ayon sa ulat ng OCTA Research Group.

Ayon kay OCTA Fellow na si Dr. Guido David, ang rate ay bahagyang mas mataas kaysa noong Mayo 10, na nasa 24.2%.

Nauna nang sinabi ni David na ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ay inaasahang tataas sa loob ng isa o dalawang linggo.

Samantala, ang COVID-19 positivity rate sa bansa ay tumaas sa 23.1% noong Mayo 11 mula sa 22.4% noong nakaraang araw.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,940 bagong impeksyon na kung saan 824 dito ay naitala sa Metro Manila lamang.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga indibidwal na nagbunga ng mga positibong resulta mula sa mga nasuri para sa Covid-19.