Iimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang umano’y posibleng insidente ng food poisoning ng mga guro at estudyante sa may San Francisco Elementary School sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Ayon kay spokesperson Atty. Michael Poa na base sa initial report na isinumite sa kanila, may isang vendor o nagtitinda ang pumasok sa naturang paaralan noong araw ng Lunes ng umaga para magbenta ng lumpia at turon.
Aabot sa 88 estudyante at anim na mga guro ang nakakain ng nasabing lumpia at nagreklamo kalaunan ng pananakit ng tiyan at pagsusuka at naospital.
Ayon Poa maglulunsad sila ng kanilang imbestigasyon sa nasabing usapin dahil base sa Department Order Number 8, series of 2007 ng Deped ang mga outside vendors ay hindi pinapayagang magbenta ng pagkain sa loob ng mga paaralan.
Tanging ang mga school canteens lamang aniya ang pinapayagan at dapat ay mayroong sanitary permits at iba pang kinakailangang health permits mula sa lokal na pamahalaan.
Nang matanong naman kung mahaharap sa sanctions ang naturang eskwelahan dahil snaturang insidente, ayon kay Poa na kailangang makumpleto ang imbestiagasyon bago gumawa ng anumang desisyon.
Sa ngayon, ayon pa kay Poa na magpapadala sila ng district nurses ang DepEd division office para masuri ang kalagayan ng mga apektadong guro at mga estudyante.
Sinabi ni Poa na ang lokala na pamahalaan ang siyang nagbayad ng hospital expenses ng mga estudyante at mga guro kung saan karamihan nadischarged na rin nitong Lunes.