Nilampaso ng Portugal ang Switzerland 6-1 sa kanilang round of 16 ng FIFA World Cup sa Qatar.
Dahil sa panalo ay pasok na ang ranked number 9 Portugal sa quarterfinals na ginanap sa Lusail Stadium.
Sa simula ng laro ay dominado ng Portugal ang laro kung saan hindi nakapuntos ang ranked 15 na Switzerland sa unang bahagi ng laro.
Naging bayani sa panalo ng Portugal si Goncalo Ramos na nagtala ng tatlong goal na isa ay sa 17 minuto, ikalawa ay noong 51 minuto at noon ay 67 minuto.
Tanging si Manuel Akanji lamang ang nakapag-goal sa Switzerland sa loob ng 58 minuto.
Susunod na makakaharap ng Portugal ang Morocco para sa quarterfinals.
Nasa unang puwesto sa group H ang Portugal na unang tinalo ang Ghana 3-2, panalo naman sila sa Uruguay 2-0 subalit talo naman sila sa South Korea 2-1.