Idinepensa ni Top Rank big boss Bob Arum ang magaganap na Terence Crawford-Shawn Porter showdown sa November 20 na magaganap sa Mandalay Bay Michelob ULTRA Arena sa Las Vegas.

Ayon kay Arum dahil sa pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas at ang pagkawala ni Errol Spence dahil sa injury kaya nabuo ang Crawford-Porter.

Kung maalala ang former IBF champion na si Porter ang tumalo noon kay Ugas.

Naging bahagi rin noon sa training camp ni Pacquiao si Porter nang maging sparring partner ito.

Para kay Arum, sa panahon ngayon si Porter (31-3-1, 17 KOs) ang pinaka-best opponent sa undefeated at WBO champion na si Crawford (37-0, 28 KOs).

-- Advertisement --

Paliwanag pa ni Arum, matatawag na “highly-competitive” ang banggaan ng dalawa lalo na at si Porter ay isang top-flight opponent.