Inaasahang papalo sa 8 billion ang populasyon sa buong mundo sa Nobiyembre 15 ng kasalukuyang taon.
Base sa forecast ng UN, ang India na ang bansa na may pinakamaraming populasyon sa buong daigdig na nalagpasan na ang China.
Ayon kay Secretary General Antonio Guterres na ang overall population milestaone na ito ay isang reminder ng ating shared responsibility para alagaan ang ating planeta at pagnilayan ang ating commitments para sa isa’t isa.
Batay sa forecast mula sa UN Department of Economic and Social Affairs na unti-unting tumataas ang populasyon sa buong mundo mula noong 1950 at posibleng lumobo pa ng 8.5 billion sa taong 2030 at 9.7 billion sa taong 2050 at inaasahang ang peak ng 10.4 billion populasyon sa taong 2080 bago ito inaasahang mananatili sa naturang bilang hnaggang sa taong 2100.
Bagamat naobserbahan ang pagbaba ng birth rate sa ilang developing countries , mahigit kalahati ng pagtaas na tinataya sa populasyon sa buong m,undo ay inaasahang maitatala sa mga susunod na dekada sa walong mga bansa.
Ito ay sa Democratic Republic of Congo, Egypt, Ethiopia, India, Nigeria, Pakistan kabilang ang Philippines at Tanzania.