-- Advertisements --
Umapela si Pope Francis sa mga pulitiko sa iba’t-ibang bansa na tulungan ang Russia na huwag gumamit ng nuclear weapons sa paglusob nito sa Ukraine.
Sa kaniyang talumpati sa Vatican, na dapat patuloy na ipagdasal ang nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Inalala niya ang nangyari noong 1962 sa kasagsagan ng Cuban missile crisis kung saan si Pope John XXIII ang nagbigay ng mensahe sa radyo na umapela rin sa mga lider ng mga bansa na pigilan ang banta ng nuclear.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga lider ng iba’t-ibang relihiyon gaya ng Christians, Jews, Muslims, Sikh, Buddhists at ibang relihiyon.