Nasa South Sudan na si Pope Francis para tuparin ang matagal na nitong pangako na bumisita sa nasabing bansa.
Ito ang unang pagkakataon na bumisita ang Santo Papa sa South Sudan na bahagi ng anim na araw na pagbisita niya sa mga South Africa.
Kasama nito sa biyahe si Archbishop Justin Welby ang namumuno sa Angelican Communion at si Retired Rev. Iain Greenshields ang moderator ng General Assembly ng Church of Scotland.
Isa kasi ang South Sudan na nakakaranas ng pinakamalaking refugee crisis sa buong mundo base na rin sa pag-aaral ng United Nation Refugee Agency.
Nakuha ng South Sudan ang kaniyang kalayaan mula sa Muslim-majority na Sudan noong 2011 matapos ang ilang dekadang kaguluhan na nagbunsod ng civil war.
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga mamamayan ng South Sudan ay nanawagan ang Santo Papa sa mga lider ng nabanggit na bansa na tigilan na ang pagdanak ng karahasan.