-- Advertisements --

Nanawagan ng tulong si Pope Francis sa mga bansa na tulungan ang Pakistan na nakakaranas ng malawakang pagbaha.

Sinabi ng Argentinian Pope na bukod sa pagdarasal ay mahalaga na maabutan ng mga tulong ang mga naapektuhang biktima.

Isinagawa ng 85-anyos na Santo Papa ang panawagan matapos ang pagbisita nito sa L’Aquila City sa Italy na niyanig ng lindol noong 2009 na ikinasawi ng mahigit 300 katao.

Magugunitang aabot na sa mahigit 1,000 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Pakistan dahil sa ilang araw na pag-ulan.