-- Advertisements --

Muling nanawagan si Pope Francis ng tunay na negosasyon sa nagaganap na giiyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sinabi nito na habang tumatagal ay mas lalong nalalagay sa panganib ang mga mamamayan ng Ukraine.

Sa mahigit na 100 araw mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine ay mararapat na magpatupad ng tigil putukan at tunay na solusyon sa kaguluhan.

Naghihintay din ng tamang panahon ang 85-anyos na Santo Papa para ito ay makabisita ng personal sa Ukraine.