-- Advertisements --

Nanawagan si Pope Francis ng pagtatapos ng karahasan sa Sudan.

Sa ginawang misa nito sa Vatican, hiniling nito sa mga opisyal ng Sudan na magkaroon ng mapayapang pag-uusap.

Sa nasabing mapayapang pag-uusap aniya ay tiyak na makakamit ang tunay na kapayapaan.

Ipinagdasal ng Santo Papa ang pagtigil na ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nanawagan si Pope Francis na matigil na ang kaguluhan sa pagitan ng nasabing bansa.

Bilang pagdiriwang ng Earth Day nitong nakaraang araw ay nanawagan ito sa publiko na dapat ay alagaan ang kalikasan dahil ito ang tanging yaman na maipapamana sa mga susunod na henerasyon.