-- Advertisements --

Nakita sa unang pagkakataon si Pope Francis na nakasakay sa wheelchair habang nasa isang aktibidad sa Vatican.

Dulot ito ng labis na pananakit ng kaniyang tuhod na sanhi ng paglimita ng kaniyang paglalakad.

Nakapaglakad rin ito ng hanggang 10 metro bago maupo sa kaniyang upuan sa stage pero inaalalayan pa rin ito.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay sinabi nito na gumagamit na siya ng painkillers matapos na magkaroon ng torn ligaments sa kaniyang tuhod.

Sinabi naman ng kaniyang mga doktor na matatagalan ang kaniyang paggaling dahil na rin sa kaniyang edad.