Sinulatan ni Pope Francis ang mga mamamayan ng Ukraine.
Sa sulat na inilabas ng Vatican, sinabi ng Santo Papa na araw-araw niyang nasa puso nito at patuloy na ipinagdarasal ang mga mamamayan ng Ukraine.
Dagdag dito na nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ng mga mamamayan ng Ukraine.
Bagamat hindi nito binanggit ang Russia ay sinabi niya na bakit kailangan pang manakit ang isang tao sa kapwa nito.
Labis na ikinabahala nito ang mga naapektuhang mga bata at mga mamamayan ng Ukraine dahil sa giyera na nagsimula pa noong Pebrero.
Ang sulat sumisimpatiya sa mga kabataan na kailangan humawak ng armas para maipagtanggol ang kanilang bansa ganun din ang mga kababaihan na namatayan ng asawa dahil sa pakikipaglaban.
Magugunitang nitong nakaraang araw ay nagpaulan ng maraming missiles ang Russia patungong Ukraine na sanhi ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa Kyiv.