-- Advertisements --

Naghahanda ang Vatican para sa pagbisita ni Pope Francis sa Ukraine.

Sinabi ni Vatican Secretary for Relations with States Monsignor Paul Richard Gallagher, na sa mga susunod na buwan ay tiyak na ang pagbisita ng Santo Papa sa Ukrane.

Hindi pa nito binanggit ang eksaktong petsa ng pagbisita.

Dagdag pa nito na nagbabalak din ang Santo Papa ng pagbisita sa Russia na siyang magiging makasaysayan.

Magugunitang makailang beses na binatikos ni Pope Francis ang Russia dahil sa pag-atake nito sa Ukraine.