-- Advertisements --
Muling nananawagan si Pope Francis ng pagtatapos na ng giyera sa Ukraine.
Ito ang naging mensahe Regina Coeli prayer sa St. Peter’s Square, binati nito ang mga Orthodox Christians at Eastern-rite Catholics na nagdiriwang ng kanilang Easter.
Dagdag pa ng Santo Papa na ang nagaganap na paglusob ng Russia sa Ukraine ay nagdulot ng pagkasira ng kapayapaan.
Ito na rin ang pangalawang buwan ng lusubin ng Russia ang Ukraine na nagsimula noong Pebrero 24.
Nanawagan na rin ito sa lahat na magdasal para sa kapayapaan at sana ay magkaroon ng lakas ng loob na sabihin na posible ang pagkakaroon ng kapayapaan.