-- Advertisements --
Muling kinondina ni Pope Francis ang malawakang pagbobomba ang ng Russia sa maraming bahagi ng Ukraine.
Sa kaniyang talumpati sa St. Peter’s Square, sinabi nito na bitbit niya ang sakit na nararanasan ng mga mamamayan ng Ukraine.
Dagdag pa nito na mula pa ng lusubin ng Russia ang Ukraine ay kasama niya ang ito sa kaniyang dasal.
Magugunitang ilang katao na ang nasawi at maraming gusali ang nasira matapos paulanin ng Russia ng kanilang missile ang Ukraine.