-- Advertisements --
Kinansela ni Pope Francis ang kaniyang lingguhang blessing sa publiko dahil ito ay patuloy nagpapagaling sa pagamutan matapos na sumailalim sa operasyon sa kaniyang tiyan.
Unang plano kasi ng Vatican na isagawa ang lingguhang blessing sa balcony ng Gemilli Hospital sa Roma subalit minabuti nitong magpahinga.
Nanood na lamang ang 86-anyos na Santo Papa ng misa sa telebisyon.
Magugunitang noong nakaraang Miyerkules ay inoperahan sa kaniyang hernia ang Santo Papa kung saan pinayuhan ito ng mga doktor na mamahinga ng hanggang isang linggo para sa tuluyan niyang paggaling.
Ayon naman sa Vatican na patuloy na bumubuti ang lagay ng kalusugan ng Santo Papa.