Isinagawa ni Pope Francis ang kanonisasyon sa unang babaeng santo ng Argentina bago makipagkita kay Milei.
Isang kaganapan na nagresulta sa pagkikita ng Santo Papa at ng kanyang dating vocal critic, ang Argentine President na si Javier Milei.
Matatandaan na si Argentine President Javier Milei, isang maverick right-wing libertarian, ay isang vocal critic ng Santo Papa. Bago pa man tumakbo bilang presidente tinawag ni Milei noon si Francis na isang “imbecile” at isang “son of a bitch preaching communism” pero nagbago ito mula nang manungkulan si Milei noong Disyembre.
Bilang tugon, ayon sa papa, hindi niya masyadong binibigyang pansin ang mga pang-iinsulto.
Samantala, pinangunahan ni Francis ang isang canonization Mass sa St. Peter’s Basilica para kay Maria Antonia de Paz y Figueroa, na mas kilala bilang “Mama Antula,” isang 18th century consecrated lay woman na tinalikuran ang kayamanan ng kanyang pamilya para tumuon sa charity at Jesuit spiritual exercises.
Isinagawa ang seremonya habang nahaharap ang Argentina sa economic crisis ilang dekada na, na may inflation sa higit sa 200%.
Nakipagpalitan ng ilang salita si Milei sa papa, nakipagkamay at nagyakapan. Ang naturang presidente ay nakatakdang magkaroon ng private audience kay Pope Francis sa Lunes.
Matatandaan pa na ikinagalit din ng ilang kababayan ni Pope Francis na isang dating arsobispo ng Buenos Aires ang hindi nito pagbisita sa kanyang tinubuang-bayan mula nang maging papa noong 2013, pero ngayon, ayon sa papa, posible na siyang makauwi sa second half ng kasalukuyang taon.