-- Advertisements --
Plantsado na ng Vatican ang gagawing libing ng namayapang si Pope Benedict XI mamayang hapon oras sa Pilipinas.
Mula ng buksan nila sa publiko ang public viewing nitong Enero 1 ay hindi bababa sa 100,000 katao kada araw ang dumadalaw.
Ililibing ang dating Santo Papa sa ilalim ng St. Peter’s Basilica k ung saan doon din inihimlay si Pope John Paul II.
Inialala naman ni Pope Francis ang mga kabutihang nagawa ng sinundan nitong Santo Papa.
Sa lingguhang misa nito sa Vatican nitong Miyerkules, tinawag nito ng 86-anyos na Argentinian Pope ang namayapang Santo Papa bilang “a great master of catechesis”.