Buong pusong humingi ng kapatawaran si Pope Francis sa mga katutubo ng Canada na naging biktima ng pagmamaltrato at pangmomolestiya uamno ng ilang opisyal ng simbahan na nagpapatakbo noon sa kanilang paaralan.
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga katutubo, sinabi nito na labis siyang nahihiya sa ginawa ng kapwa niya Kristiyano sa mga katutubo.
“I humbly beg forgiveness for the evil committed by so many Christians against the Indigenous peoples.”
Magugunitang sa pagitan ng 1991 at 1996 ay mayroong mahigit 150,000 na mga katutubong kabataan na nahiwalay sa kanilang mga pamilya na dinala sa mga residential schools ay nakaranas umano ng pagmamaltrato mula sa mga pari na nagpapatakbo ng nasabing paaralan.
Nagtungo ang Santo Papa sa Canada para humingi ng kapatawaran sa mga biktima ng pagmamaltrato.
“I am here because the first step of my penitential pilgrimage among you is that of again asking forgiveness of telling you once more that I am deeply sorry,” ani Pope Francis. “What our Christian faith tells us is that this was a disastrous error incompatible with the gospel of Jesus Christ.”