-- Advertisements --
Dumating na Lisbon, Portugal si Pope Francis para sa pagdalo nito sa World Youth Day.
Sinalubong siya ni Portuguese President Marcelo Rebelo de Sousa sa Figo Maduro military air base.bago sila nagtungo sa presidential Belem Palace.
Ito ang unang pagkakataon na pagbiyahe ng 86-anyos na Santo Papa matapos ang kaniyang intestinal surgery noong Hunyo.
Ang World Youth Day ay okasyon na itinaguyod ng namayapang si Pope John Paul II na ngayon ay Santo na.
Pinagtipon-tipon ang mga kabataan para maturuan ang mga ito ng aral ng Simbahan.