-- Advertisements --
Si Pope Francis ang magiging unang pontiff sa kasaysayan na bumisita sa Bahrain.
Ang kaniyang gagawing pagbisita ngayong linggo ay inaasahang magpapatibay ng ugnayan sa Islam.
Tatagal ng tatlong araw ang pagbisita ng Santo Papa sa Bahrain mula Huwebes hanggang Linggo.
Tatlong taon matapos ang historic trip nito sa United Arab Emirates noong 2019 kung saan pumirma siya ng
Muslim-Christian manifesto for peace.
Samantala, matutuloy naman sa buwan ng February sa susunod na taon ang gagawing pagbisita ni Santo Papa Francisco sa Democratic Republic of Congo at South Sudan.
Matatandaang hindi natuloy ang naka-iskedyul na bisita ng Santo Papa noong buwan ng Hulyo dahil sa kaniyang problema sa tuhod.