-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Pope Francis ang mga nagdasal sa kaniya para sa agaran nitong paggaling mula sa pagkaka-opera ng kaniyang tiyan.

Pinangunahan ng Santo Papa ang lingguhang Angelus prayer sa St. Peter’s Square sa Vatican.
Ito ang kaniyang unang public appearance matapos ang mahigit isang linggong pananatili sa Gemilli Hospital sa Roma.

Sa kaniyang talumpati ay hinikayat niya ang mga mananampalataya na gumawa ng kabutihan na mayroong pagmamahal at pag-asa para mapalapit sa Diyos.

Ipinagdasal din nito ang mga biktima ng migrant boat accident sa Greece na ikinasawi ng halos 80 katao.

Magugunitang noong Hunyo 7 ng operahan sa tiyan ang 86-anyos na Santo Papa kung saan pinayuhan ng kaniyang doctor na magpahinga ng ilang araw.