-- Advertisements --

Hinimok ng Commission on Population on Development (Popcom) ang susunod na administrasyon na tumutok sa pagbibigay ng food security at trabaho sa mahihirap na pamilyang Pilipino upang maibsan ang problema ng bansa sa gutom.

Sinabi ni Popcom Undersecretary Antonio Perez III na dapat ibase ng papasok na gobyerno ang minimum wage sa poverty threshold ng bansa, na nasa average na P12,000.

Ang minimum wage sa Metro Manila, halimbawa, ay nasa P570, maaaring hindi pa rin ito sapat para pakainin ang 5 pamilya araw-araw.

Hinimok niya ang administrasyong Marcos Jr. na unahin ang food security at tiyaking “hindi lalago” ang bilang ng mga nagugutom na pamilya.

Ang susunod na pamahalaan ay dapat ding magbigay ng trabaho, edukasyon, at pabahay sa mga pamilya dahil ito ang kanilang pangunahing pangangailangan.

Kung maalala, ang pinakahuling non-commissioned survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong Mayo ay nagpakita na 43 porsiyento ng mga respondent ang nag-rate sa kanilang sarili bilang mahirap, habang 23 porsiyento ang nakikita ang kanilang sarili bilang hindi mahirap.