-- Advertisements --
Ipinapanukala ni Nueva Ecija Representative Mikaela Suansing na dagdagan ang earmarked na pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.
Nakasaad sa kaniyang House Bill 212 na aamyendahan ang Section 13 ng RA 11203 o Rice Tariffication Law.
Mula sa kasalukuyang P10-billion na pondong inilalaan sa RCEF ay itataas ito sa P15-billion pesos.
Bukod dito, pinadaragdagan din ang earmarked na pondo para sa iba pang essential farm inputs tulad ng fertilizer.
Mula naman sa P5-billion na funding itinutulak na itaas sa P5.5-billion ang pondo para naman sa mechanization program sa ilalim ng PHILMEC.
Nai-refer na sa House Committee on Agriculture ang naturang panukala.