-- Advertisements --

Hiniling ng Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na pagtuunan ng pansin at pondo ang pagtalakay sa mental health issues na pinagdadaanan ng maraming Pilipino bunsod ng pandemic.

Sa mensahe ng nsabing komisyon para sa National Mental Health Week, ang lockdown at stay at home policies na umiiral ang nakita nilang dahilan sa pagtaas ng problema sa mental health.

Bagot ito ay una nang napag-alaman ng National Center for Mental Health (NCMH) noong Setyembre na malaki ang kontribusyon ng kasalukuyang health crisis sa pagdami ng mga indibidwal na nakararanas ng anxiety at pagiging malungkot.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, ang datos mula NCMH ay nagpapakita rin ng average number of calls na natatanggap ng kanilang hotline.

Mula kasi sa 80 calls ay bigla itong tumaas ng 400 calls noong kasagsagan ng lockdown.

“As we observe the counterpart National Mental Health Week here in the Philippines, let us join together in calling for greater investment in mental health so everyone can have access to psychosocial support and services regardless of location and socio-economic situation,” ani De Guia.

Naiintindihan umano ng CHR na gumawa na ng paraan ang pamahalaan upang tiyakin na magiging maayos ang mental health ng publiko ngunit ang mas malawak na pag-intindi hinggil sa naturang paksa ang pinaka-kinakailangan ngayon.

“The consequences of the pandemic on the mental health of the citizens, particularly the vulnerable sectors, necessitate that mental health becomes an integral part of the universal health coverage,” wika pa nito.