Umaasa ang Department of Public Works and Highways na makukuha na nito ang loan approval na gagamitin para mapondohan ang Bataan-Cavite Interlink Bridge.
Ito ay target na makuha, pagsapit ng Nobiyembre ng kasalukuyang taon.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, posibleng ilalabas na rin ng Asian Development Bank at Asian Infrustructure and Development Bank ang approval, lalo na at palagi ang ginagawa nilang koordinasyon para sa nasabing proyekto.
Oras na maaprubahan aniya ay agad nila itong sisimulan, pagsapit ng unang quarter ng 2024.
Inaasahang magtutuloy ang konstruksyon dito, at matatapos sa 2028, batay na rin sa inisyal na plano.
Ang Bataan-Cavite Interlink Bridge ay inaasahang magpapaikli sa travel time mula Northern Luzon patungo sa Calabarzon Area.
Inaasahang magdudulot ito ng magandang impak sa ekonomiya ng bansa, dahil sa maliban sa mga commuters ay mapapabilis din ang pagbibiyahe sa mga produkto mula sa mga nabanggit na lugar.