-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nai-release na ng Department of Budget and Managenent (DBM) ang pondo ng mga ahensya ng gobyerno para sa ikalawang semestre.

Ito ay sa gitna ng kinakaharap na pandemya ng bansa na dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DBM Bicol Director Renato De Vera sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sakop ng naipalabas na pondo ang programa ng mga ahensya ng gobierno mula ngyaong buwan ng Hulyo hanggang Disyembre.

Sa kabila ng kasalukuyang pandemya, patuloy rin aniya ang paghahanda para sa 2021 national fund.

Samantala, kabilang sa mga nabigyan ng pondo ang Department of Labor and Employment-Overseas Workers Welfare ADministration (DOLE-OWWA) na nabahagian ng mahigit sa P5 billion para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng kabuhayan.