-- Advertisements --

Nagbabalak si US Secretary of State Mike Pompeo na bumuo ng global coalition upang paghandaan umano ang mga susunod na hakbang o pagbabanta ng Chinese Communist Party.

Sinabi ito ni Pompeo matapos ang pakikipagpulong nito kahapon kina British Prime Minister Boris Johnson at Foreign Secretary Dominc Raab sa London.

Ani Pompeo imbes raw kasi na tumulong ang Beijing sa mga bansang naapektuhan ng coronavirus outbreak ay ginamit pa raw ng bansa ang kasalukuyang krisis upang i-bully umano ang mga kalapit nitong bansa.

Nais din daw nito na magtulungan ang mga bansa na labanan ang China.

“We hope we can build out a coalition that understands this threat,” wika ni Pompeo.