-- Advertisements --

Tinanghal bilang kampeon ng Miami Open si Iga Swiatek ng Poland matapos talunin si Naomi Osaka.

Dahil sa panalo ay posibleng makuha nito ang number 1 spot sa world ranking matapos ang pagreretiro ni Ashleigh Barty.

Mula sa simula ng laro ay hindi na hinayaan ni Swiatek na makalamang pa sa score na 6-4, 6-0 para mapalawig ang kaniyang winning streak na 17 matches.

Nagbigay ito ng mensahe sa mga taga Ukraine at sinabing huwag dapat silang mawalan ng pag-asa.

Nagbulsa si Swiatek ng $1,231,245 na premyo habang si Osaka ay nagbulsa ng $646,110.