-- Advertisements --

Nasa unang puwesto na ng Women’s Tennis Association (WTA) rankings si Iga Swiatek ng Poland.

Kasunod ito sa pagkampeon ng 20-anyos sa Miami Open ng talunin si four-time Grand Slam champion Naomi Osaka.

Ang pagiging numero uno din nito ay matapos ang tuluyang pagretiro ng dating world number one na si Ashleigh Barty.

Siya ang tanging pang-apat na babaeng tennis player sa kasaysayan na nanalo ng Indian Wells at Miami tournaments ng back-to-back.

Nasa pangalawang puwesto naman si Czech Republic player Barbora Krejcikova, habang pangatlo si Paula Badosa ng Spain, Maria Sakkari ng Greece at Aryna Sabalenka.