-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mas pinadali pa ng Polish government ang pagbibigay-trabaho sa mahigit dalawang milyong Ukranian refugees na lumikas sa Ukraine papunta sa Poland kasunod ng paglusob ng Russia.

Maaaring manatili ang refugees sa Poland at maka-access sa labor market, health care system, at social benefits at makabayad rin ng buwis sa kondisyon na makakuha sila ng Polish national identity number o PESEL.

Nag-umpisa ang mass registration para sa PESEL noong Marso 16.

Ayon kay Bombo International Correspondent Grace Guion direkta sa Poznad, Poland, may mga Ukrainians na nag-tatrabaho sa ngayon sa mga factories dahil ipinag-utos sa mga kumpaniya na mag-tanggap ng empleyado na Ukrainians.

Ayon kay Guion, mahigit 200,000 Ukrainians refugees na ang nakatanggap ng Polish PESEL personal identification number.

Napag-alamang sa tala ng United Nations, nasa 3.7 million ka tao ang lumikas sa Ukraine mula Pebrero 24, at 2.2 million rito ang piniling manatili sa Poland.