-- Advertisements --

Sinagot ni United States President Donald Trump ang dalawang Black pastors sa kalagitnaan ng roundtable event sa Kenosha, Wisconsin kung saan ito bumisita.

Kinilala ang mga pastor na sina James Ward at Sharon ward na parehong pastor ng ina ng pinaslang na si Jacob Blake.

Sila ang natatanging African American na pinaupo kasama ang presidente sa nasabing roundtable event bilang parte ng kanilang seguridad. Sila rin ang natatanging participants na nag-ungkat sa pagpatay kay Blake.

Dito ay sinabi ng mga Wards na naniniwala sila na ang nararanasan umanong police violence ay isang systemic issue. Hindi na nakapagpigil ang Republican president na sumingit at tinaliwas ang naging pahayag ng mga pastor.

Naniniwala aniya si Trump na walang ginagawang karahasan ang mga otoridad at namamangha rin daw ito sa pagpapatupad ng kaayusan sa iba’t ibang estado sa Amerika.