Pinasiguro ng Aklan Provincial Police Office (APPO) na nanatili ang peace and order sa buong probinsya ng Aklan.
Ito ay sa kabila ng pagkakadawit ng pangalan ni Provincial Director PCol. Crisaleo Tolentino sa mga dapat imbestigahan sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Base sa ipinalabas na opisyal na pahayag ng Aklan Police Provincial Information Office, bukas si PCol. Tolentino kaugnay sa imbestigasyon na isasagawa ng Senate Blue Ribbon Committtee.
Suportado daw ng Provincial Director at rinerespeto ang isasagawang hakbang ng komitiba.
Una rito, matatandaan na nanawagan si Pamploma Mayor Janice Degamo na isama sa imbestigasyon ng Degamo case ang Aklan Police Provincial Office (APPO) acting provincial director na si P/Col. Crisaleo Tolentino.
Samantala, sinisikap naman ng Bombo Radyo Kalibo na kunin ang pahayag ni PCol. Crisaleo Tolentino kaugnay sa naturang mga alegasyon ng maybahay ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.