-- Advertisements --

Nais pagpaliwanagin ni Senate defense and security committee chairman Sen. Panfilo Lacson si Maj. Gen. Rodel Sermonia kaugnay sa paglikom umano ng ilang pulis ng personal data ng ilang personalidad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Si Sermonia ang community relations chief ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Lacson, dapat linawin ni Sermonia kung ano ang nakapaloob sa “Intensified Cleanliness Policy” ng pampansang pulisya.

At kung bakit kailangang likumin ang email addresses, mobile phone numbers at iba pang data ng nasa 30 percent ng mga nasa barangay.

Giit ni Lacson, hindi trabaho ng PNP ang gumawa ng census o anumang kahalintulad na trabaho.