CAGAYAN DE ORO CITY – Patay sa nangyaring ambush ang isang opisyal ng pulisya, kasama ang kanyang driver sa boundary ng Binidayan Ganassi at Pagayawan, Lanao del Sur.

Kinilala ni Lanao del Sur Provincial Police Office director Col. Madzghani Mukaraam ang mga nasawi na si Police Executive Senior Master Sgt. Amin Lucman Macalanggan at Romil Pangcatan.

Ayon kay Mukaraam, posible na ang sunod-sunod na anti-criminality campaign na inilunsad ni Macalanggan ang dahilan kung bakit ito tinambangan ng hindi kilalang mga salarin habang nakasakay sa Mahindra Police Patrol Car kagabi.

Dagdag ng opisyal na kabilang sa nalusob ng mga biktima ang ilang personalidad na nasangkot sa illegal drugs selling at mga nasa liko ng illegal logging sa nabanggit na lugar.

Nagpapatuloy ang ginawa na imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.