Natagpuang patay sa kaniyang bahay ang isang pulis na iniimbestigahan sa naganap na madugong Halloween crush sa Seoul.
Ang 55-anyos na si Inspector Jeong na intelligence officer ay kabilang sa ilang kapulisan na iniimbestigahan.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad na posibleng nagpakamatay ang nasabing police officer.
Nitong Miyerkules lamang kasi ay sinuspendi siya dahil sa pinagtatakpan niya ang nagawang kapalpakan ng kapulisan niya.
Inakusahan siya na pag-utos sa mga kapulisan na burahin ang mga intelligence report na naisulat bago ang Halloween event.
Magugunitang aabot 156 katao ang nasawi dahil sa naganap na stampede noong Oktubre 29 sa Itaewon.
Aabot sa 100,000 katao ang dumalo sa nasabing Halloween event unang pagkakataon ito ginanap matapos ang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.