-- Advertisements --
Pinarangalan ngayong hapon ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang namayapang si Maj. Gen. Jovic Ramos, matapos itong pumanaw kahapon ng madaling araw habang naka -comatose ng halos pitong buwan sa hospital.
Dinala sa kampo Crame ang abo nang dating PNP Comptrollership Director.
Binigyan ito ng arrival honors at saka iminartsa patungo sa PNP St. Joseph Chapel.
Mananatili ang labi ni Ramos sa Kampo Crame hanggang sa October 23 para sa ilang aktibidad at necrological service,viewing at vigil.
Isa si Ramos sa biktima ng chopper crash, at nasa kritikal na kondisyon.
Bumagsak ang PNP chopper Bell 429 nuon March 5 sa San Pedro, Laguna kung saan lulan dito ang grupo ni dating PNP chief Archie Gamboa.