-- Advertisements --

Desidido si Filipino pole vaulter EJ Obiena na sampahan ng kaukulang reklamo ang nag-aakusa sa kaniya na gumagamit umano ito ng ipinagbabawal ng substance.

Sinabi nito na pinag-aaralan na ng kaniyang kampo ang kaparaanan sa pag-akusa mula sa social media comment na ito umano ay gumagamit ng iligal na substance.

Nagbunsod ang nasabing isyu ng maglabas ng pahayag si Pinoy pole vaulter na kaya niyang mahigitan si world record holder Mondo Duplantis ng Sweden kapag magkaharap sila sa Paris Olympics sa susunod na taon.

Magugunitang nasa ikalawang puweso sa world ranking si Obiena habang nangunguna ang Swedish na si Duplantis.

Pagtitiyak naman ng personal advisor ni Obiena na si Jim Lafferty na 100% malinis na manlalaro si Obiena at makailang ulit na itong sumailalim sa drug test ay laging negatibo ang resulta.